Saturday, April 6, 2013

Letting Go

Hello. Nagdecide ako na isulat na lang tong letter na to in Taglish para mas masabi ko sayo lahat ng gusto kong sabihin sayo. I tried calling your number para masabi ko sayo to ng personal kasi di naman ako yung taong dinadaan lang sa text, gusto ko masabi ko ng maayos. Pero sa dahilan na di ko alam at wala akong karapatan na malaman, hindi ko matawagan yung number mo. Naiintindihan ko kung ayaw mo ko kausapin or kung ano pa man. Pero sana maintindihan mo ko gaya ng kung gaano kita inintindi nung humingi ka ng space sakin.

Alam mong mahal na mahal kita, inaamin ko yun. Simula ng makipagbreak ka sakin, naramdaman ko talaga yun kaya mas pinili kong mag stay para tulungan ka na magmove on sakin, dahil di ko kayang nahihirapan ka, tiniis ko na madalas mo kong iblame dahil sa mga kasalanang nagawa ko sayo kung yun lang yung way para makamove on ka sakin. Tiniis ko lahat ng sakit para maiparamdam ko sayo kung gano kita kamahal. Halos araw araw kitang nililigawan nun. Nakakatuwang isipin na halos lahat ng brand ng chocolates nun nakumpleto ko na sa pagbibigay ko sayo araw araw. Hinding hindi ko pagsisihan na ginawa ko yun. Hindi rin ako nagsisi na ikaw yung unang lalake na narinig sakin na kumanta, at para sayo talaga yung kantang yun because you make me weak. 

Hindi masama ang loob ko sayo na hindi mo ako binalikan dahil naiintindihan kita. Sa una medyo mahirap tanggapin pero nung tumagal nagets ko din yung point mo. Di rin naman ako nagsisi na nagmahal ako ng sobra sayo. Nagpapasalamat ako na tinuruan mo ako magmahal ng tunay at binigyan mo ko ng chance na iparamdam sayo yun. Totoong hindi kailangan maging tayo para mapakita kong mahal kita. Kung hindi man sapat yun, gusto kong sabihin sayo na mahal na mahal kita higit pa sa inaakala mo. Ikaw lang laman ng puso at isipan ko. Hindi ako nagsawang mahalin ka. Hindi ako nagsawang intindihin ka. At hindi ako nagsawang alalahanin lahat ng good memories natin nun.

Hindi ko malilimutan yung times na magkahawak tayo ng kamay na sobrang higpit na para bang ayaw natin pakawalan ang isa't isa, yung times na magkayakap tayo ng mahigpit na para bang wala ng bukas, yung times na magkikiss tayo na parang huling beses na natin magkikita, yung times na sabay tayong kumakain habang hinahatid mo ko pauwi na susubuan kita tapos isusubo mo rin yung mga daliri ko, yung times na hinahatid mo ko pauwi, yung times na kumanta tayo habang pauwi, yung times na pumupunta tayo sa apartment mo para manood ng movies, yung times na masaya tayong dalawa na naglolokohan, yung times na nagshare tayo ng kwento ng mga buhay natin, at sa iba pang mga times na mas maganda pa sa kahit ano pang love story na maiimagine ko. Hindi mawawala yun sa isipan ko habang nabubuhay ako. 

Naiiyak ako na hanggang isipan na lang yung mga iyon. Na hanggang reminiscing na lang ang mga iyon. Na maaaring hindi na maulit yung mga yun in the future. Pero ang mas masakit maalala ay kung paano kita napabayaan noon. Sana kahit hindi man ngayon, mapatawad mo ko. Hindi ko hinihiling na mahalin mo ulit ako pero sana man lang mapatawad mo ko at matanggap mo na nagkamali ako noon at hindi ko intensyon na saktan ka. Ako inaamin ko sa sarili ko na napatawad na kita sa mga sakit na naramdaman ko sa pagmamahal ko sayo. Hindi ko magagawang magalit sayo. Sana ganun ka rin sa akin. Hindi ako yung taong magtatanim ng sama ng loob kahit kanino. Oo nasaktan ako pero hindi tamang magalit ako sayo dahil mas higit yung pagmamahal na naramdaman ko sayo at yung pagkakaibigan natin. 

Unti-unti ko na ring natatanggap na mas mabuti sigurong maging magkaibigan na lang din tayo. Ayun naman talaga yung hiningi mo sakin dati pa pero ako yung makulit na nakiusap at nagmakaawang tanggapin mo ko. Alam mong ayokong mahirapan ka lang. Ayokong bigyan ka ng pressure at ayoko din pressurin ang sarili ko. Ayokong nakikita kang umiiyak at ayoko ding masaktan pa kita ulit. Kung di ko man naibigay sayo yung pagmamahal na dapat para sayo, sana mahalin mo yung babaeng kayang maibigay sayo yun. Oo masakit para sa akin pero ayun ang tama. May mga bagay talaga na kahit gaano man natin kagusto, hindi natin palaging makukuha. Kung dumating man yung time na magmahal ka na ng iba, sana dumating din yung time na masabi ko sayong "I'm happy for you" and I mean it. Ayokong mas lumalim lang yung sakit na nararamdaman ko na pipilitin ko yung sarili ko na hindi ka guluhin para di kita mapressure na sa tingin mo ay wala akong pakialam. Ayokong magkunwari na wala akong pakialam sayo dahil ang totoo palagi kitang inaalala. Iniisip ko kung nasan ka, kung nakauwi ka na ba, kung okay ka lang ba, at iba pang mga bagay na hindi ko pwedeng itanong sayo dahil wala ako sa lugar para gawin yun.

Sana maintindihan mo ko kung bakit ako humihingi ng space sayo. Hindi ibig sabihin na tinatalikuran ko ang friendship natin. Gusto ko lang makalimot sa sakit at para mabigyan din kita ng space na kailangan mo. Pag okay na ko, handa na ulit akong maging bestfriend mo. Gusto ko lang mabigyan ng pahinga ang puso ko at isip ko. Gusto ko lang magtrabaho ng maayos at hindi maapektuhan ng pagbbreak natin yung work ko. Kung saan ka man ngayon, gusto kong malaman mo na iniisip kita at pinagdarasal kita gabi-gabi na sana okay ka lang at sana makamove on ka din. I wish you all the happiness that you deserve. Masaya ako kung masaya ka. Malungkot ako kung malungkot ka. Kaya hayaan mo ako na sabihin sayo na pag malungkot ka at wala kang ibang mapasabihan, hindi ako magdadalawang isip na makinig sayo, you know how to reach me. And I want to tell you that you mean so much to me, na I may not always be around but you will always have a special place here in my heart. 

Wala po akong magagawa kung hindi mo na talaga bubuksan ang phone mo or magpapalit ka pa rin ng number. Wala naman po akong ginawa sayo and kung meron man dati, pinagsisihan ko na yung mga yun. Napakaikli ng buhay para magalit tayo or sumama ang loob natin sa isa't isa. Isipin mo sana yung times when we had each other. Kung masama man ang loob mo sakin, sana dumating yung time na mapatawad mo na din ako at sana mamiss mo din ako na sana hindi mo ko pinatayan ng phone nung times na yun. Kung meron ka naman ng iba, gusto ko malaman mo na hinahayaan kitang maging masaya sa kanya. Hindi ako manggugulo sa inyo. And I just hope and pray na someday sana marealize mo yung mga nagawa ko para sayo at kung gaano kita minahal. Na hindi kita binitiwan at tinalikuran hanggang huling sandali. Mike, before I let you go I just want to say that I love you, with all my heart and soul. 

No comments:

Post a Comment